Sa kauna-unahang pagkakataon, bumaba sa 800 million ang bilang ng mga nagugutom sa mundo mula nang simulan ng United Nations ang pagbibilang dito.
Batay sa annual report ng Food and Agriculture Organization o FAO na naka-base sa Roma, ang bilang na ito ay mas mababa ng 216 million kumpara sa naitala noong taong 1990 hanggang 1992.
Ayon kay FAO Director General Jose Graziano da Silva, nangangahulugan ito na may kakayahan ang mundo na puksain ang kagutuman upang hindi mabiktima ang mga susunod na henerasyon.
By Jelbert Perdez