Tumaas ang bilang ng mga nahahatulan sa mga kasong may kaugnayan sa online sexual exploitation of children o OSEC noong 2020.
Ito ang ipinagmalaki ng Department of Justice (DOJ) matapos mapaulat na dumami ang bilang ng mga naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga menor de edad noong nakaraang taon.
Ayon kay DOJ spokesperson Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, halos doble ang itinaas ng convictions o mga nabibilanggo sa mga kasong may kinalaman sa child abuse, child pornography, photo & video voyeurism, cybercrime, rape, acts of lasciviousness, at Article 201 ng Revised Penal Code o indecent shows/publications.
Karamihan aniya sa isang daang na-convict noong isang taon ay natamo bunsod ng plea bargaining kaya’t napabilis ang proseso ng pagbasura sa kaso.