Lumobo sa 2,470 ang bilang ng mga nahuling colorum public utility vehicles ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) simula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo taong 2016.
Kumpara ito sa 1,744 na colorum na sasakyang nahuli sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino mula Hulyo 2010 Hanggang Hunyo 2016.
Ang naturang anti-colorum campaign na tinawag na task force Kamao ay pinangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Dahil sa dami ng mga nahuling colorum na P.U.V., umabot na sa 305 Million Pesos ang nakolektang multa kumpara sa 11.2 million pesos na koleksyon sa ilalim ng anim na taong termino ng nakaraang administrasyon.
Inihayag ni Transportation Undersecretary at i-act overall head Tim Orbos na nakatulong Ang Kooperasyon ng publiko sa pagtaas ng bilang ng mga nahuhuling colorum sa maiksing panahon lamang.