Aabot sa 1,763 na mga sibilyan ang naaresto ng Pulisya dahil sa paglabag sa pinaiiral na COMELEC gun ban.
Ito’y ayon sa Philippine National Police o PNP ay bunsod ng may 1,711 mga operasyong kanilang ikinasa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Batay sa datos ng PNP, maliban sa mga sibilyan ay may nahuli rin silang 15 Police personnel na lumabag din sa gun ban, 9 naman ang mga Sundalo, 27 ang Security Guards at may 16 na iba pa.
Aabot naman sa 1,409 ang kabuuang bilang ng mga armas ang nasamsam ng PNP, 670 ang mga deadly weapons kabilang na ang 79 na pampasabog habang aabot sa 7,729 ang mga nakumpiskang mga bala.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region o NCR ang nakapagtala ng pinakamaraming naitalang lumabag sa gun ban na may 658, nasa 206 sa CALABARZON, 198 sa Central Visayas, 177 sa Central Luzon at 94 sa Western Visayas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)