Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 90% ang kabuuang bilang ng mga sibilyan ang nahuli sa gitna ng ipinatutupad na gun ban.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni PNP spokesperson PCOL. Jean Fajardo, patuloy pa rin ang implementasyon ng gun ban sa kanilang ahensya kung saan, 3,478 na ang bilang ng mga lumabag.
Kabilang sa mga lumabag ang 3,338 na sibilyan; 61 security guards; 26 police officers; at 22 military personnel at 31 pang indibidwal kung saan, nangunguna ang Metro Manila sa may pinaka maraming naitalang lumabag kung saan, posible pa itong madagdagan bago matapos ang gun ban sa Hunyo a-8.