Lumobo ng mahigit sa 90 porsyento ang bilang ng mga nahuling may dalang bala sa mga paliparan sa bansa kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay Supt. Jean Panisan, Spokesperson ng PNP Aviation Security Group, umabot sa 105 katao ang nahuling may dalang bala sa paliparan mula lamang Enero hanggang November 1 ng taong ito.
Noong nakaraang taon anya ay 12 lamang ang nahuli, mas mababa pa rin kumpara sa 21 noong 2013 at 20 noong 2012.
Ipinaliwanag ni Panisan na hindi lamang naman sa NAIA nakakahuli ng pasaherong may dalang bala kundi maging sa ibang malalaking paliparan tulad ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro at maging sa Palawan.
Aminado si Panisan na bagamat nasampahan ng kaso ang marami sa mga ito ay wala hindi na nila alam kung ano ang nangyari sa kaso.
“Sinimulan na po ng aming investigation division, tina-track na nila kung nai-file na at kung ano na ang nangyari, kasi pag nai-file na po yun, hindi naman po kumbaga ang maiimpormahan doon yung accused, so far andun na kami sa punto na yun, admitted po kami na hindi namin na-track yan.” Pahayag ni Panisan.
By Len Aguirre | Karambola