Sumampa na sa mahigit 17,000 ang mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Usman.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, aabot na sa 17,315 pasahero ang kabuuang bilang ng mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.
Pinakamarami anila rito ay mga pantalan sa Bicol na aabot sa 6,586 na pasahero na sinundan ng Eastern Visayas na may 4,090 stranded na pasahero.
Pumangatlo ang southern tagalog na 1,770 ang mga stranded na pasahero.
Bukod sa mga pasahero, pinigilan ding umalis ng PCG ang aabot sa 1,443 rolling cargoes, 116 na mga barko at 24 na motorbanca.