Sa kabila ng matinding bigat sa daloy ng trapiko na nararanasan sa Metro Manila dahil sa pagdami ng bilang ng mga sasakyan…tumaas pa ang mga naibentang sasakyan ngayong unang walong buwan ng taon.
Ayon sa Philippine Automotive Industry, nasa 20 porsyento o katumbas ng mahigit 179,000 nang sasakyan ang naibebenta para sa taong ito.
Sa katunayan sa buwan lamang ng Agosto, tumaas ng 21 porsyento o mahigit 23,000 units ang naibentang units mula sa mahigit 19,000 sasakyan na naibenta Agosto noong nakaraang taon.
Matatandaang ang sobra-sobrang dami ng sasakyan na bumabagtas sa EDSA ang itinuturong dahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya’t nararansan ang matinding bigat sa daloy ng trapiko.
By Ralph Obina