Bumaba sa 30 barangay na lamang sa lungsod ng Maynila ang nasa ilalim ng granular lockdown.
Batay sa datos na inilabas ng Manila Police District-Public Information Office (MPD-PIO) chief police captain Philipp Ines, aabot na lamang sa 35 barangay ang nakasailalim sa granular lockdown.
Aabot sa 40 barangay ang apektado sa naturang lockdown kung saan sakop nito ang area ng MPD Station 1 hanggang Station 10.
Dahil dito, nagbawas na rin ng mga naka-deploy na tauhan ang MPD sa mga barangay na naka-lockdown kung saan mula sa 200 na pulis, nasa 118 na lamang ang nagbabantay dito.
Samantala, nanawagan naman ang MPD sa mga apektadong residente na maging maunawain at makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.