Pumalo na sa tatlongdaang libo katao ang bilang ng mga undocumented Filipino sa Amerika.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, siguradong maipapa-deport ang mga ito sakaling mahuli dahil sa overstaying.
Hinihikayat anya nila ang mga nasabing Pilipino na humingi ng tulong o advice mula sa mga Immigration Lawyer sakaling mayroon pang paraan upang maipagpatuloy ang pananatili ng mga ito sa nasabing bansa.
May mga nagboluntaryong Abugado na rin mula sa filipino-american association of lawyers upang silipin ang mga kaso ng undocumented Filipinos. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo