Nasa 11 milyon na ang bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll para sa school year 2022-2023.
Batay sa datos na inilabas ng DepEd, nasa 11,663,325 ang nakapagpa-enroll na mula nang masimula ang enrollment nuong Hulyo 25.
Naitala ang pinakamaraming enrollees sa CALABARZON na nasa 1,819,467, sinundan ng Metro Manila na may 1,531,374 at Central Luzon na nasa 1,178,813.
Magpapatuloy naman ang enrollment hanggang Agosto 22.