Mahigit sa kalahating milyong pamilyang Pilipino ang nadagdag sa bilang ng mga nakaranas ng gutom sa unang tatlong buwan ng 2016.
Batay sa survey na isinagawa ng SWS o Social Weather Stations, pumalo sa 3.1 milyong Pilipino ang nagsabi na sila’y nakaranas ng gutom sa unang tatlong buwan ng taon.
Mas mataas ito ng 13.7 percent sa 2.6 million families na naitala mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
Sa mga na survey ng SWS, 2.6 na milyong pamilya ang nagsabing paminsan-minsan lamang sila nakaranas ng gutom sa unang tatlong buwan ng taong ito samantalang halos kalahating milyon ang nagsabing nakaranas sila ng severe hunger o madalas na sila ay nagutom.
Partikular na lumobo ang bilang sa Mindanao na umakyat sa halos isang milyong pamilya mula sa dating 658,000 families gayundin sa Luzon na umakyat sa 1.2 million families mula sa dating 952,000 families.
Gayunman, lumiit naman sa 14 percent o 429,000 families mula sa dating 17 percent o 513,000 families ang bilang ng nakaranas ng gutom sa Metro Manila gayundin sa Mindanao na may 10.3 percent na lamang mula sa dating 11.3 percent.
Ang first quarter hunger survey ng SWS ay isinagawa mula March 30 hanggang April 2.
By Len Aguirre