Nadagdagan pa ng 7,964 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa bansa.
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), ito ang dahilan sa pagtaas pa ng mga nakarerekober sa COVID-19 sa bilang na 1,567,920.
79,016 naman o 4.7% ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19.
29,220 naman na ang bilang ng nasawi sa COVID-19matapos na madagdagan ng 92 panibagong bilang ng mga nasawi.
Sa kaparehong case bulletin, naitala ang 8,560 na mga bagong kaso ng COVID-19 kaya’t nasa 1,676,156 na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19.