Tumaas pa ang bilang ng mga residenteng nakatanggap ng libreng flu vaccine at pneumonia vaccine sa Pasay City.
Umabot sa mahigit 100 indibidwal ang binigyang benepisyo ng Pasay City LGUs sa Barangay 51 na ginanap sa Tramo Buendia Street.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Pasay City, ang libreng vaccination ay sakop ng kanilang programa na “HELP” o ang (H) Healthcare and Housing; (E) Education, economic growth and environment; (L) livelihood and lifestyle; at (P) Peace and order, palengke at pamilya.
Ito na ang pangalawang libreng pagbabakuna na ikinasa vaccination drive ng Pasay City government.—sa panulat ni Angelica Doctolero