Mas maraming pro – Duterte o mga taga suporta ng kasalukuyang administrasyon ang nakilahok sa National Day of Protest noong Huwebes, Setyembre 21, kasabay na din ng ika-45 na anibersaryo ng martial law.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Spokesman Erwin Margareho, nasa mahigit 18,000 pro – Duterte ang nagpakita ng kanilang suporta sa administrasyon sa kabila ng mga kinahaharap nitong isyu katulad ng kampanya kontra iligal na droga.
Samantala, aabot naman sa mahigit 13,000 anti – Duterte ang nag protesta sa Luneta at Mendiola.
Karamihan sa mga isinagawang rally ng mga kontra sa administrasyon ay ang pagpapakita ng marahas na sinapit ng mga Pilipino sa ilalim ng idineklarang martial law noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na anila ay hindi na dapat payagang maulit.
Gayunman, ayon kay Margarejo, pangkalahatang naging mapayapa ang mga protesta kahapon sa Maynila.