Tumaas ang bilang ng namamatay sa aksidente sa motorsiklo noong isang taon.
Ayon sa Motorcycle Development Program Participants Association, 66 na motorcycle accidents kada araw ang naitatala sa Metro Manila pa lamang kung saan halos kalahati sa naturang bilang ng mga biktima ang namamatay.
Gayunman, inihayag ni MDPPA Vice-Chairman Magnus Mateo na bahagyang bumaba sa halos 24,000 ang bilang ng motorcycle-related accident noong 2015.
Kumpara aniya ito sa 24,100 aksidente sa motorsiklo noong 2014 base sa tala ng Metro Manila Accident Recording and Analysis System database ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Noong 2015, 37 porsyento ng mga aksidente sa motorsiklo ang nauwi sa kamatayan kumpara sa 35 porsyento noong 2014 ang pinakamataas sa nakalipas na limang taon.
Muling pinayuhan ng MDPPA ang mga rider na sumunod sa batas trapiko, ugaliing magsuot ng helmet at tamang gear gaya ng reflectorized vest at pads at matuto ng defensive driving.
By Drew Nacino