Lomobo pa ang bilang ng mga namamatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Batay sa datos ng AFP o Armed Forces of the Philippines, umabot na sa 537 ang death toll kung saan siyamnapu’t tatlo (93) dito ay mula sa hanay ng pamahalaan, samantalang 399 ang nasawi mula sa panig ng mga terorista.
Pumapalo naman sa 45 sibilyan ang napatay sa walang tigil na bakbakan.
Samantala, aabot sa 502 mga baril ang nakumpiska at narekober mula sa mga bandido.
- Meann Tanbio