Kinumpirma ng Department of Health o DOH na umabot na sa 87 bata ang namatay dahil sa severe dengue at iba pang sakit matapos turukan ng Dengvaxia.
Ito, ang inihayag ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo sa isinagawang hearing ng House Committee on Appropriations kaugnay sa P1.16 billion supplemental budget para sa mga tinurukan ng naturang bakuna.
Gayunman, hindi aniya direktang maiuugnay sa Dengvaxia ang pagkamatay ng 87 mula sa 891,000 na tinurukan.
Ipinaliwanag ni Domingo na posibleng tumagal ng ilang taon bago ma-kumpirmang ang Dengvaxia ang sanhi ng kamatayan ng mga biktima at hindi pa nila maaaring ideklarang nagkaroon ng failure sa pagbili ng anti-dengue vaccine.
—-