Mahigit 5,000 na ang bilang ng mga naitalang nasawi sa mga ikinasang operasyon ng mga awtoridad kontra iligal na droga mula taong 2016.
Ito’y batay sa datos ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency mula noong Hulyo ng taong 2016 hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
Halos 200,000 katao naman ang naaresto sa mahigit 100,000 operasyon na inilatag ng mga awtoridad sa mga naturang taon.
Samantala, halos 300 naman ang bilang ng mga natuklasang drug den at 14 na lihim na pagawaan ng droga.