Pumalo na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Cholera.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umakyat na sa halos 3,700 ang bilang ng tinamaan ng cholera sa Pilipinas, mas mataas ito kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nabatid na nalampasan ng mga rehiyon ng Central Luzon, Western at Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ang epidemic threshold na nagpapakita na mas dumami ang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit nagyong taon kumpara noong 2021.
Ang Cholera ay isang water-borne disease na nakukuha sa pag-inom at pagkain ng kontaminado ng bacteria na nagdudulot ng diarrhea at dehydration na maaaring humantong sa pagkasawi kung hindi agad na magagamot.