Dalawampu’t pito na ang patay sa pananalasa ng hurricane Irma sa Carribean Sea.
Pinaka-marami ang naitalang fatality sa Cuba na 11, apat sa British Virgin Islands habang lima sa Florida, sa Estados Unidos.
Karamihan sa mga biktima ay inanod ng baha o hinampas ng malalakas at naglalakihang alon.
Samantala, tinaya sa 65 milyong katao kabilang ang daan-daang Filipino sa Florida ang apektado ng bagyo.
Mahigit 1.6 na milyong kabahayan at mga business establishment naman na pawang nalubog sa baha ang walang kuryente makaraang magtumbahan ang maraming poste.
SMW: RPE