Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga namatay sa malakas na pagyanig sa Japan.
Batay sa ulat, sumampa na sa mahigit 70 katao ang nasawi habang 400 ang sugatan sa pagyanig kaninang umaga.
Libu-libo namang residente ang nakararanas ng power outages dahil sa pag-collapse ng ilang gusali at kabahayan.
Nahihirapan na rin ang mga otoridad na magsagawa ng rescue operation dahil sa malakas na pag-ulan sa Japan.
Nabatid na ang Noto Peninsula ang pinakamatinding tinamaan ng 7.5 magnitude na lindol.
Samantala, muli namang hinikayat ng Department of Migrant Workers ang mga Pilipino sa Japan na naapektuhan ng malakas na lindol na makipag-ugnayan sa DMW Office sa Osaka.
Ito’y upang mabigyan ng agarang tulong sa gitna ng krisis na kinakaharap ng mga Pilipino sa Japan.
Kabilang na rito ang mga sumusunod na numero:
DMW-OWWA Japan Help desk (lokal) 1348
DMW-OWWA Japan Help desk (abroad) +632 1348
DMW-MWO-Osaka +81 7022756082 o +81 7024474016