Bumaba ang bilang ng mga napapatay na drug suspects sa mga operasyon ng PDEA o Philippne Drug Enforcement Agency.
Ayon ito kay Human Rights Chair Chito Gascon kaya’t tiwalang susundin na ng PNP ang operational procedures nito sa anti drug war raid operations kapag naibalik sa kanila ang nasabing kampanya.
Magugunitang inihayag ng Pangulong Duterte na pinag aaralan niyang ibalik sa PNP ang pangunguna sa anti drug war dahil sa paniniwalang tumaas ang drug activity dahil sa kakulangan ng mga tauhan ng PDEA.