Mula sa 27 noong Sabado, umakyat na sa 33 ang bilang ng mga namamatay ngayong panahon ng eleksyon.
Ito ang inanunsyo ni Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde sa press briefing sa Camp Crame.
Hindi naman aniya lahat ng napatay ay kandidato, iba rito mga sibilyan na taga-suporta lamang ng mga tumatakbo.
Mayroon din aniyang 26 na sugatan at 24 na tinambangan pero hindi nasaktan.
Kasama na sa datos, ang pananambang kay Daanbantayan Mayor Vicente Loot at pagpatay kay dating Congressman Euforonio Eriguel sa Agoo La Union.
Ayon pa kay Albayalde mayroon nang 42 na insidente ng karahansan ang kanilang naitatala mula nang mag-umpisa ang election epriod noong April 14, pito rito ang kumpirmadong election related.
Sa ngayon ayon sa PNP Chief, naka-full alert ang pulisya sa buong bansa para sa eleksyon kung saan 160,000 pulis ang ikinalat.
—-