Mas mababa ang bilang ng mga napapatay dahil sa ibat ibang krimen ngayong taon kumpara nuong mga nakalipas na taon
Ito ay kung pagbabatayan ang ipinalabas na datos ng task force Usig ng PNP
Sinabi ni Supt Henry Libay ng task force Usig na naitala sa taong 2013 ang pinakamataas na kaso ng death under investigation kung saan umaabot ng 16000 at nasa 13000 naman ang kaso nito nuong 2014
Nasa 12000 naman aniya ang murder at homicide cases nuong 2015
Mas mataas ang mga nasabing figures kumpara sa 8000 murder at homicide cases na naitala mula Enero hanggang Agosto ng taong ito
Nilinaw ni Libay na hindi maituturing na extra judicial killings at konektado sa droga ang mga biktimang nasa death under investigation
By: Judith Larino / Jonathan Andal