Pumapalo na sa mahigit 5,000 ang bilang ng mga napapatay na drug personalities mula nang ikasa ang anti drug war ng gobyernong Duterte.
Ayon sa PNP at PDEA, ang 5, 176 na napatay na sangkot sa illegal drugs ay mula July 1, 2016 hanggang January 31, 2019.
Umaabot naman sa halos 171,000 ang bilang ng mga arestadong drug suspects sa ikinasang mahigit 120,000 anti illegal drugs operations.
Sa bilang ng mga naaresto, halos 300 ang elected officials, 300 din ang empleyado ng gobyerno at 69 ang uniformed personnel.
Nasa mahigit 19 billion pesos naman ang kabuuang halaga ng ng mga nakumpiskang iligal na droga.
301 drug den at clandestine laboratories naman ang nabuwag ng PDEA at PNP.
Samantala, umaabot na sa 11,080 barangay ang maituturing na drug free.