Umabot na agad sa 131 ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA na na–neutralized ng militar.
Ito ay sa unang linggo pa lamang ng Disyembre.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, batay sa kanilang datos mula Disyembre 1 hanggang 8, nasa labing pito (17) na ang napatay na NPA, 114 ang mga sumuko habang 30 ang mga nakumpiskang armas
Sa panig ng pamahalaan, dalawang (2) sundalo ang nagbuwis ng buhay habang 3 ang sugatan.
Magugunitang ipinag – utos ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ang mas matinding opensiba laban sa NPA.
Ayon kay Guerrero layunin nito ang matugunan ang kalupitan ng NPA dahil sa sunod – sunod na mga pag – atake nito sa mga komunidad.
Iginiit pa ni Guerrero ang ibinaba na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang mga iligal na aktibidad ng rebeldeng grupo.