Sumampa na sa animnaraan at labing anim (616) ang kabuuang bilang ng mga napatay sa mahigit dalawang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute terror group sa lungsod ng Marawi.
Sa nasabing bilang, apatnaraan at animnapu (460) ang mga terorista, isangdaan at labing isa (111) naman ang nalagas sa hanay ng pamahalaan habang nasa apatnaput lima (45) ang mga nasawing sibilyan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana target nilang tapusin ang krisis sa Marawi City sa loob ng isang buwan.
Aniya, pagod na ang mga sundalo sa pakikipagbakbakan sa Marawi City at nais na rin ng mga bakwit na makabalik sa kani-kanilang mga tahanan.
Dagdag pa ni Lorenzana, kukulangin ang isa’t kalahating taon bago tuluyang makabangon mula sa giyera sa Marawi City.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal