Nadagdagan pa ang bilang ng mga napapaulat na mga casualties dulot ng pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa 389 ang bilang ng mga napaulat na nasawi, 64 ang mga napaulat na nawawala habang 1,146 naman ang bilang ng mga sugatan.
Ngunit nilinaw ng NDRRMC na mula sa nabanggit na mga bilang ay 52 pa lamang ang kumpirmadong nasawi, 73 ang mga kumpirmadong nasugatan habang 15 ang kumpirmadong nawawala dahil sa bagyo.
Habang ang nalalabing bilang naman ay isinasailalim pa sa masusing validation ng Office of the Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)