Sumampa na sa 47 ang death toll sa pananalasa ng winter storm o itiunuturing na “Blizzard of the Century” sa Estados Unidos.
Matinding blizzard ang nararanasan sa ilang bahagi ng US na nagdulot ng malawakang power outages at pagkaantala ng mga biyahe.
Tinukoy ng mga otoridad ang Buffalo City sa Erie County bilang episentro ng krisis na lubhang nabalot ng mga niyebe.
Sinabi naman ni New York Governor Kathy Hochul na ilang bayan sa Western New York ang natabunan ng niyebe na aabot sa 30 hanggang 40 inches o katumbas ng hanggang isang metro.
Una nang sinabi ni Hochul na nakausap niya si US President Joe Biden na nag-alok ng suporta sa New York at panalangin para sa mga biktima ng kalamidad.