Mahigit 10,000 mga overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makabalik ng Pilipinas sa mga nakalipas na linggo.
Ito ay matapos na maapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang kani-kanilang mga trabaho at pangkabuhayan sa ibang bansa.
Ayon sa DFA, umaabot na sa mahigit 78,800 ang kabuuang bilang ng mga OFWs na kanilang naiuwi pabalik ng Pilipinas simula noong Pebrero.
Anila, mahigit 67% sa mga ito o katumbas ng higit 37,000 ang mga sea-based na manggagawa o iyong mga seafarers.
Habang halos 53% o mahigit 41,000 ang mga land-based OFWs.
Dagdag ng DFA, nanggaling sa mga bansang France, The Netherlands, Qatar, Saudi Arabia, UAE, USA, at Vietnam ang karamihan sa mga balik bansang OFWs nito lamang Biyernes, Hulyo 10.
Kasabay nito, tiniyak ng DFA na tuloy-tuloy pa rin ang pangangasiwa nila ng mas marami pang mga flights mula Middle East para mapauwi pabalik ng Pilipinas ang mahigit dalawang milyon pang mga OFWs doon.