Mas mababa ng limampu’t siyam na porsyento ang bilang ng mga nabiktima ng paputok ngayong panahon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, umaasa silang mapapanatili ang mababang bilang ng mga naputukan na ito sa tulong na rin ng Executive Order number 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa regulasyon at pagkontrol sa paggamit ng paputok.
At the end of the day, kumbaga, kahit anong paghahanda ang gawin natin, kung hindi naman susunod ‘yung mga tao, medyo ayun ang magiging problema natin. Pahayag ni Lee Suy
Samantala, pinaalalahanan naman ni Lee Suy ang mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon na hugasan at linisin ang sugat at agad magpatingin sa mga doktor.
Dapat malinisan ‘yung parte ng katawan na nasugatan, running water ang gamitin dahil ang gusto natin matanggal kung ano mang chemical o lason na nakasama doon sa paputok. Ikalawa, dalhin agad sa pinakamalapit na health facility para ma-assess din ng ating mga health worker. Dagdag ni Lee Suy
| Karambola Interview