Tinatayang nasa 11,000 personalidad ang nasa police drugs watch list sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Ayon sa Philippine National Police o PNP, ang naturang bilang ay mas mataas ng 6.79% kung ikukumpara sa bilang noong Disyembre na umabot lamang sa 10,300 na mga drug suspect.
Tinukoy ng pambansang pulisya na normal lamang ang pagtaas nito dahil patuloy ang kanilang ginagawang validation sa naturang listahan.
Kasama pa rin sa nasabing listahan ang ilang opisyal ng gobyerno, politiko at mga ordinaryong indibwal na nagsisilbing user at pusher.