Nadagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng paputok.
Base sa tala ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, sumampa na sa 145 ang firecracker-related injuries simula pa noong Disyembre a-bente nueve.
Kasabay nito, iniulat din ng DOH na 3 ang naging biktima ng indiscriminate firing.
Isa rito ang namatay matapos tamaan ang siyam na taong gulang na babae ng stray bullet sa bulacan noong bisperas ng Pasko.
By: Meann Tanbio