Umakyat na sa 375 ang bilang ng mga nasasawi, isang buwan mula nang sumiklab ang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, dalawang sundalo ang pinakabagong nadagdag sa listahan.
Ito aniya ang dahilan kaya’t sumampa na sa 69 ang nalagas sa panig ng pamahalaan habang tinatayang nasa halos 300 o nasa 280 ang nasawi sa panig ng mga terorista.
Habang nakapako na sa 26 ang bilang ng mga sibilyang pinatay ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute Terror Group.
By Jaymark Dagala / with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Bilang ng mga nasasawi sa bakbakan sa Marawi nasa 375 na was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882