Bumababa na ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III kung saan naitala sa 4.6% ang fatality rate sa NCR mula sa 5.78%.
Ipinabatid pa ni Duque na nasa .42% ang case fatality rate sa mga pasyenteng hanggang 49 years old at 5.53% naman ang mga may edad 50 hanggang 80.
Dahil dito sinabi ni Duque na patuloy na isinusulong ng DOH na maturukan na ang lahat ng senior citizens sa bansa.
Samantala iniulat ni Duque na gumanda na rin ang pangkalahatang ADAR o average daily attack rate sa kada 100,000 populasyon sa bansa at ang two week growth rate bagama’t patuloy ang pagbabantay nila sa ilang lugar kung saan sumirit ang kaso ng COVID-19 tulad ng mga lugar sa regions 11 at 6.