Pumalo na sa 150 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng hagupit ng hanging habagat sa Pakistan sa nakalipas na tatlong linggo.
Ayon sa government officials, nagkaroon ng pagbaha at pag-ragasa ng mga putik at bato sa ilang lugar ng nabanggit na bansa.
Sa pahayag ng National Disaster Management Authority, karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at kabataan habang patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang 163 pang indibidwal.
Bukod pa dito, nasa 1,000 tirahan at gusali naman ang nasira habang nananatili paring lubog sa baha ang ilan pang mga bahay.
Ayon naman sa mga otoridad, pansamantalang gumagamit ngayon ng mga mini boat ang mga residente sa pagbisita sa kanilang lumubog na bahay.
Sa ngayon, namahagi na ang gobyerno ng mga tents na matutuluyan, pagkain at iba pang essential items para sa mga apektadong residente.