Sampu na ang patay habang mahigit 438,000 katao na ang apektado ng flashfloods bunsod ng pag-ulang dala ng low pressure area, shear line at hanging Amihan sa Luzon, Visayas at Mindanao, simula Enero 2.
Ayon sa NDRRMC, apat ang sugatan, dalawa ang nawawala habang nasa 8,000 na ang lumikas sa Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, Davao Region at BARMM.
Tinaya naman sa P111.73-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura.
Kabilang sa mga napinsala ang halos 500 kabahayan, 25 kalsada at tulay.
Samantala, isinailalim na rin sa state of calamity ang mga bayan ng Tubod, Lanao Del Norte; San Miguel, Leyte at Dolores, Eastern Samar. —sa panulat ni Hannah Oledan