Patuloy na nadaragdagan ang mga bagong kaso ng 2019 novel corona virus (2019-nCoV) na naitatala sa China kaya’t doble kayod ngayon ang mga awtoridad para supilin ito.
Batay ito sa datos ng Chinese central government kung saan, nasa mahigit 600 kaso na ang nadagdag ngayong araw lamang.
Dahil dito, umabot na sa 1, 975 o halos 2,000 ang kabuuang bilang ng mga “infected” ng naturang virus sa China kung saan, 56 na ang bilang ng mga nasawi.
Samantala, idineklara ng Toronto Public Health Department na naitala na nila ang posibleng kauna-unahang kaso ng nCoV sa kanilang bansa.
Batay sa ulat, Canadian Citizen ang nagtataglay ng nasabing virus na nagbalik bansa mula sa Wuhan at ngayo’y nasa ospital at maayos na ang kalagayan.