Aabot sa mahigit 5,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa mga ikinasang anti-drug operation sa buong bansa ngayong taon.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa kabuuang 5,903 ang bilang ng mga nasawi sa ikinasa nilang operasyon.
Ito’y matapos madagdagan ng 47 drug suspects na naitalang nasawi nitong nakalipas na mga buwan ng Agosto at Setyembre.
Nakasaad din sa ulat ng PDEA na nasa 896 ang mga tauhan ng pamahalaan na sangkot sa iligal na droga ang kanilang naaresto.
Sa nasabing bilang, 438 ang mga kawani ng gobyerno, 356 ang mga halal na opisyal habang 102 naman ang nasa unipormadong hanay.