Aabot sa dalawa ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante sa Davao Region sa Mindanao.
Ayon iyan sa datos na nakuha ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Isang batang may edad 1-taong gulang ang nalibing ng buhay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Maco, Davao de Oro.
Habang isang lalaking 71-taong gulang naman ang inanod ng flashflood sa Davao del Sur dulot ng walang patid na mga pag-ulan.
May isa pang napaulat ding nasawi sa Region 12 (SOCCSKSARGEN) subalit hindi pa malinaw kung konektado sa bagyo ang pagkamatay nito.
Bagama’t patuloy ang pagdating ng mga ulat sa NDRRMC hinggil sa mga naitatalang casualties sa bagyo, hindi pa nila ito maidedeklarang opisyal hangga’t hindi sumailalim sa verification process ng iba’t ibang ahensya.