Umakyat na sa 10 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding habang umabot na sa 8 ang bilang ng mga napaulat na nawawala.
Batay pa sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ( NDRRMC) , nasa 157,023 indibidwal o 39,893 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa 1,318 barangays sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at CAR.
Aabot sa kabuuang 37,135 katao o 8,825 pamilya ang nananatili sa 574 evacuation centers, habang 15,759 na mga indibidwal o 3,778 pamilya ang nanunuluyan sa ibang mga lugar.
Nananatiling stranded naman ang 613 passengers, 190 rolling cargoes, 5 vessels, at1 Motorbanca sa CALABARZON, MIMAROPA, at National Capital Region (NCR).
Umabot naman sa kabuuang P 5,532,150.18 assistance ang naipagkaloob sa mga apektadong residente sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Bicol, at Cordillera.