Umakyat na sa 407 ang bilang ng mga nasawi matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-8 ng umaga, 75 sa mga nasawi ay kumpirmado habang sinusuri ang 332 iba pa.
Mayorya ng mga nasawi ay galing sa region 7 na mayroong 220 at sinundan ng caraga na may 71.
Nananatili naman sa 66 ang mga nawawala dahil sa bagyo at 1,261 ng sugatan.
Sa ngayon, nasa 60,736 pamilya pa rin ang nananatili sa 1,207 evacuation centers na kinabibilangan ng 229,424 indibidwal.
Galing ang mga ito sa rehiyon ng mimaropa, regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). —sa panulat ni Abigail Malanday