Umabot na sa 128 ang naiulat na nasaktan habang 36 naman ang nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumampa na sa 150 ang nasawi sa bansa.
Sa nasabing bilang, pinakamarami ng mga nasawi ay mula sa BARMM na mayroong 63, 33 naman ay galing sa CALABARZON, 29 galing sa Region 6.
Habang lima naman ang mula sa Region 8 kapwa apat sa Region 12 at 9, tatlo mula sa MIMAROPA, kapwa dalawa mula sa Region 7, Region 3 at Region 4 at isa ay mula sa Cordillera Administrative Region.
Samantala, 94 naman ang kumpirmadong nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 56 naman ang kinukumpirma pa. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)