Umakyat pa sa 162 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Paeng.
Batay sa pinakabagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 2 casualties ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaya’t umakyat na sa 66 ang kabuuang bilang nito.
Nananatili naman sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa Region 6; 33 sa CALABARZON; 5 sa Region 8;
Tig-4 sa Region 9 at Region 12; 3 sa Region 2 at MIMAROPA; tig-2 sa Region 3, Region 5 at Region 7; at 1 mula sa CAR
Sa nasabing bilang ng mga nasawi, 132 dito ang kumpirmado habang ang 30 ang kinukumpirma pa.
Umabot naman sa 270 ang bilang ng mga nasaktan at 29 ang nawawala dahil pa rin sa bagyo . – sa ulat mula kay Agustina Nolasco (Patrol 11).