Patuloy pang dumarami ang naitatalang bilang ng casualties bunsod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 67 na ang naitalang bilang ng mga nasawi.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, nagmula ang nasabing bilang sa mga rehiyon ng cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol at Cordillera.
Nasa 21 naman ang naitala nilang sugatan mula sa Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol Region at Cordillera.
Habang aabot naman sa 12 ang bilang ng mga nawawala mula sa Calabarzon, National Capital Region at Bicol Regions.