Umaabot na sa halos 118,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Habang pumalo naman sa mahigit 1.8-M ang kabuuang kumpirmadong kaso ng sakit mula sa mahigit 190 mga bansa at teritoryo.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may pinakamaraming naitalang pagkasawi dahil sa COVID-19 na umaabot sa halos 23,000 katao.
Pumapangalawa ang Italy na mayroong mahigit 20,000 COVID-19 death related case.
Sinundan ito ng Spain kung saan mahigit 17,000 na ang nasawi dahil COVID-19; France na nakapagtala ng halos 15,000 at UK na mayroon nang mahigit 11,000 katao na namatay.
Samantala sa China, kung saan nagmula ang coronavirus disease, bahagya muling tumaas ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa 108 kahapon.
98 anila sa nabanggit bilang ay mga itinuring na imported cases o mga Chinese citizens na bumalik ng China mula sa ibang mga bansa apektado ng virus.