Pumalo na sa walo katao ang nasawi ngayong taon dahil sa sakit na dengue sa Pangasinan.
Batay sa tala ng DOH o Department of Health, aabot na sa 2,805 ang kaso ng dengue sa nabanggit pa lamang na lalawigan.
Sa ngayon, isinailalim na sa mahigpit na monitoring ang sampung bayan sa Pangasinan dahil sa pagkakaroon ng mataas na kaso ng dengue na kinababibilangan ng mga bayan ng Bayambang, Bugallon, Malasiqui, Tayug, Lingayen, Bolinao, Binmaley, Asingan at mga lungsod ng Urdaneta at San Carlos.