Umakyat na sa 33 ang bilang ng mga naitalang nasawi dulot ng sama ng panahong dala ng low pressure area, northeast monsoon at shearline sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , sa nasabing bilang, 11 ay mula sa Zamboanga, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas, lima sa Bicol, at tig-isa mula sa Davao at SOCCSKSARGEN.
18 mula sa naturang bilang ang kumpirmado na habang 15 ang bineberipika pa.
Samantala, 12 naman ang napaulat na nasugatan at pitong indibidwal ang nawawala. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)