Sumampa na sa 38 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha dulot ng Low Pressure Area(LPA), Northeast monsoon o Amihan, at Shear line.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walo ang naitalang namatay sa Bicol Region; pito sa Eastern Visayas; 12 sa Zamboanga Peninsula; 8 sa Northern Mindanao; at tag-isa sa Davao region at Soccsksargen gayundin sa MIMAROPA.
19 mula sa nasabing bilang ang naberipika na at 19 din ang inaalam pa.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 12 sugatan mula sa MIMAROPA, Region 5, Region 9 at Region 10 habang nananatili sa lima ang nawawala.
Umabot naman sa 475,981 na pamilya o katumbas ng 1,941,146 na indibidwal ang naapektuhan.
Nakapamahagin na rin ang pamahalaan ng P99,910,494 halaga ng tulong sa mga biktima.
Samantala, nanatili sa P777,577,912 ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura habang pumalo na sa P280,297,224 sa imprastruktura.